Tuesday, January 11, 2011
DAMCAT
Tahimik na ang buong bahay..
Simula ng umuwi ako..mula sa mahabang paglalakbay
Hinahanap ko ang paglalambing mo,
Lalo na ang mga kagat at kalmot mo sa aking braso..
Hinahanap ko ang mga mata mong matalas kung tumingin,
Ang tinig mong nagmamakaawa pag humihingi ng pagkain..
Pagtabi mo sa akin sa kama pag ako'y hihimbing,
Lalo na ang pagtakas mo sa gitna ng gabing madilim...
MUNING..MUNING.. yan ang nakasanayan mong pangalan.
MEEEOOOWW..MEEEOOWW,nagiisa mong tugon sa lahat ng pagtawag.
Ordinaryong pusa sa tingin ng iba,
Sa akin ay tao kung ituring kita..
Kaya napakasakit sa akin ngayong wala ka na..
Sa ating kapitbahay,, pangako..IGAGANTI KITA!!!!
(para sa nagiisa kong alaga na pinaalis ng kapitbahay naming matandang hukluban)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


Take revenge..ΓΌ for muning's sake
ReplyDeleteahaha !
ReplyDeleteAhohohoho. Mew. Mew. Mew.
ReplyDelete