Friday, May 25, 2012

May Maipost Lang

Problema talaga ng mga nagsusulat kung paano uumpisahan ang kanilang gustong isulat/itipa. Natural na naghahanap ka ng pwedeng maging topic o sentro ng dapat mong isulat,ng gusto mong ikwento. Pero mahirap kasi.
Lumulutang ang mga ideya sa isip ko at lahat sila gusto kong ilagay dito. O sige ito na lang. Mahirap sa mahirap kung ang lahat ng bagay ay lalagyan mo ng sagot. Katulad ng kung bakit o paano mo uunawain ang pagibig. Wala naman daw kasing salita o bagay na hihigit pa kung paano mo ididiscribe ang PAGIBIG. Masyado itong malawak... at walang eksaktong depinisyon.
Sabi nga hayaan mo nalang ito maramdaman,alisin mo yung mga bagay na dahilan kung bakit mo sya minahal kasi darating yung araw na pag nawala yun,wala na rin ang pagmamahal. Maghahanap ka ng iba at hahanapin mo nanaman yung dahilan kung bakit mo yun mamahalin. Mabibigo ka at uulitin mo nanaman.

Totoo masasaktan tayo. Di man natin gusto o ginusto natin...kasama yun. Dahil gahibla lang ang pagitan ng PAGIBIG at PAGKABIGO.Wala iyang EXCEPTION. Di ka nagmahal kung di mo naramdaman masaktan.
Sabi nga ng kakilala kong babae:

" Lahat ng hinahanap ng boyfriend ko sa isang babae, kabaligtaran ko. Di ako marunong kumanta, tumugtog ng gitara, hindi ako artist katulad niya, hindi rin ako maganda katulad ng mga hinahangaan niya..lahat halos hindi ako. Pero di ko pinilit na baguhin ang sarili ko sa kung ano ako. Minahal niya ako kahit wala ko sa tono kumanta, kahit konti lang alam kong tugtugin sa gitara,kahit hindi ako "Rock o Cool" pumorma kahit di ako maganda.Minahal niya ang lahat ng kahinaang meron ako."
Very well said.
Maaring maraming dahilan kung ano ang gusto mong katangian sa isang taong mamahalin mo.

Pero tandaan pa rin natin na magkaiba ang pagkagusto sa pagmamahal.

Napapasaya tayo at minamahal natin sila sa di maipaliwanag na dahilan. Darating ang araw na kukupas ang ganda. Ang mga panlabas na anyo ay tatanda. Pero masarap sa pakiramdam na sa kabila ng iyon ang kapangyarihan ng pagibig pa rin ang magbubuklod para ipagpatuloy pa rin ang buhay.
Yan Ang Mahika ng Pagibig.

Thursday, May 17, 2012

Dilim

Ang tagal din kita bago ulit mabisita. Kung anu-ano pang password ang itinipa ko mabuksan lang ulit kita.


Andito nanaman ako sa punto na sa sobrang nag-uunahan ang mga bagay-bagay sa isip ko..(wag ka ngang literal) di ko na alam kung ano ang uunahing isipin.

Pero isa lang ang sigurado ako.

Nakakabagot.
Nakakabagot...magisa.(As usual)
Nakakabagot ang walang kausap. (Mapapanisan ka ng laway)
Nakakabagot magantay.(Kasi wala ka naman talagang inaantay)
Nakakabagot magtext. (Wala rin nagrereply)
Nakakabagot tumunganga. (Lalo sa harap ng monitor)
Nakakabagot magisip. (Kung di na kaya ng utak mo.)

...at marami pang nakakabagot na packing tape ang di ko na halos madiscribe kasi nga nakakabagot.

Dahil sa paulit-ulit na routine ko sa buong magdamag... umaasam ako ng bago. Nag-eexpect ng kung anu-ano.

Pero ok lang yan,sabi nga "Ang pinakamasayang parte ng buhay ay yung mga bagay na di mo inaasahan.."

Di inaasahan na dalaw. (Wag kang kadiri.)
Di inaasahan na bisita. (kulang ang kanin)
Di inaasahan na text. (Magbayad na ng internet)
Di inaasahan na site. (Yung nyorn..)
Di inaasahan na sermon. (Nakatunganga ka lang kase.)
Di inaasahan na pagtulo ng laway. (eww.)

...at kung anu-ano pang wag mo nalang asahan.

Andito na rin ako sa punto na gusto ko na itong tapusin pero di ko alam kung paano.. (pero alam ko naman talaga)

"Wag mo nalang asahan kasi nababagot na ako.

Wednesday, February 15, 2012

Tuesday is not just Your ordinary Day. Fine.

Hayyy... anu bang gagawin ko? Limang minuto na akong nakakatitig sa timba.
Maliligo ba ako o itutuloy ko na lang matulog. Bakit ba kasi pinipilit ako pumasok.
Mas gusto ko pa magmukmok sa kama. Oo na mukang 50-50 ako ngayong Araw ng mga Puso.
Tinatamad talaga ako. Kahapon pa. Tsss. Bahala na.

7:25 am. Ok late na ako. Whatever! asa byahe na ko eh.Tapos ayaw pa matuyo ng buhok ko.Badtrip. Diretso na lang. Kaya ko to.
E di ang saya ko lang. Halos kasabay ko lang dumating Prof. namin sa Comp.Lab. Akala ko di na ko makakapasok dahil sa may bantay na malaking teddy bear sa loob. :)

Konting antay pa para pagbuksan kami sa Lab.
Nawi-weirduhan ako sa mga kaklase ko. Kanina pa sa txt kung makabati ng Valentines day wagas. Sarap pagbabatukan. Di nyo ba alam na may pinagdadaanan ako???Tapos heto at ngingiti-ngiti kayo na parang nangaasar pa. Arghh. Hell yah.

Dumating siya nakita ko sa baba. Edi tumalikod ako.Kinabahan ako e.Chill lang.Everything is under control. Oyeah.

Tangina! Eto na nga. Pag lingon ko. "Happy Valentine's day." w/ matching wide smile and 3 roses.

Eh akong si tungalngal shock na shock. Sarap lang magmura. Shit ka naman oh, ilang araw akong umiyak at halos mabaliw dahil sayo,Tapos Eto ka nakangiti sa harap ko kasama yang tatlong bulaklak mo. Kelangan talaga Valentine para magbati tayo?? What the F***! Pero di ko naman sinabi yan. Ilusyon ko lang. Kasi wala talaga akong nasabi kundi, "Jusme" speechless.

Hiyawan ang crowd... Wooo.YESS! Haba ng hair.!!!!

Sige mangasar na kayo ngayon lang to.

Well seriously, di naman talaga ako mahilig sa flowers. Pero he often gave me roses.Siguro kasi every girl ay pangarap na bigyan sila ng bulaklak (Santo??). Natutunan ko na silang mahalin. Pati hindi ko sila nakikita bilang mga ordinaryong bulaklak. Sa tuwing bibigyan nya ko nun, wala na siyang dapat sabihin.. nasabi na lahat ng bulaklak. Nang ganda nito.Basta galing sa kanya.

Ang saya lang din ng mga tricycle driver sa kanto namin nung makita nilang may dala kong bulaklak...nandun pa tito ko.
Eksena:
Tito: Yes!Yess! may flowers!
Driver1: Akin na lang yan.
Driver2: Iwan mo nlang dito gawin nating Coco Jam!!

Ako: hahaha! (Fuck you!) Lol.

At si mama? ayun syempre, nilagay nanaman niya sa baso na may tubig para daw di malanta. Lagi naman e, Lagi nya yung ginagawa pag may nagbibigay sa aking bulaklak.

Hahaha totoo nga sabi sakin ng isa sa mga espesyal na tao sa buhay ko ngayon, magiging masaya ako sa araw na ito. Kilala mo na kung sino ka. Hehehe.

At para sa pinakamamahal ko, Patawad. Salamat at Mahal kita as always. :)
You made our 3rd Valentine's Day together more memorable and fun.


Cheers!!!


You say it Best,When you say nothing at all.

Sunday, February 12, 2012

Party Harder...

Gusto ko sana na maging masaya naman ang kwento ko ngayon. Pero paano, kung taliwas naman yon sa nararamdaman ko.
Gusto ko ng manahimik. Huwag pansinin kung ano man mayroon sa paligid. Gumalaw sa sarili kong mundo. Totoo sa ginagawa ko ngayon maraming tao ang nadamay. Bunga ng mga maling desisyon ko. Sa isang parte ng utak ko nagsisisi ako. Pero kung di ko yun gagawin baka namatay na ako sa matinding kalungkutan.
May mga panahong mararamdaman mo nalang na magisa ka. Totoo yan. Kahit pa sabihin mong maraming concerns sayo. Pero iba pag ang nagbibigay ng pag aalala sayo ay yung taong MAHALaga sayo.


Sa bawat araw na lumilipas,tila kandila na ring nauupos ang puso ko. Ngunit nilalabanan ko iyon sa pamamagitan ng higit pang pagmamahal sa kanya.
Kahit na yung pakiramdam na tila ayaw ka na nyang makita, ni kausapin ka ng nakangiti sya,sumagot o magrply man lang sa mga txt mo sa kanya...nababalewala kasi nga mahal mo.

Tangina kasing pagmamahal yan. Tapos may araw pa ng mga pusong nalalaman.
Ayoko na lang isipin. Kung pwede nga lang mamatay muna pagdating ng Feb.13,2012, 11:59:59PM bakit hindi. Buhay nalang ulit pag sapit ng akinse. Mahirap kasi tignan ang mga taong masaya ,may kasamang jowa,naglalambingan etc. Tapos ako eto naghihinanakit sa mundo. Kawawang bata. Pagkatapos maalala mo lang yung nakaraang taon sa Araw na yan na ang saya-saya nyo..PAKSYET NA MALUPET. Walang katulad da best.

Sa totoo lang talaga gusto ko na syang hayaan. Pagbigyan sya sa gusto nya. Pero paano ako? Di ako naging handa. Kaya sobrang weird ko na magisip ngayon na di ko inakalang magagawa ko ang mga bagay na di ko kayang gawin. Akalain mo bang sugatan ko sarili ko para ma-divert ung sakit na nararamdaman ko sa puso ko patungo sa braso? Totoong masakit,literal. Ang tanga lang ano? Emo. Pero hindi, naiintindihan ko sila ganun pala talaga.

Naiisip ko na rin na wag mag-aral, nahihirapan kasi ako pag nakikita ko siya,pero mas gusto ko pa ring makita sya. Ang ayoko lang ay yung pakiramdam na masaya sya sa iba na dapat ako sana yung kasama nya,katabi ba nya. Kaya minsan naluluha na lang ako sa room. HAAYY PUTANGINA.

Di naman ako ganito noon. Iwan man ako hindi, masaya lang ako. Iniisip ko kasi may mas hihigit pa sa kanila. Pero ang di ko alam,di ko pa kasi nararanasan magmahal,di ko pa rin kasi nararamdaman mahalin, pahalagahan. Yun yung ginawa nya sa akin, na siguro noon di ko naapreciate nang sobra. Pero natuto ako sa kanya na magmahal.
Kahit anong paratang ko sa kanya ng kung anu-anong masama kilala ko pa rin sya.
HINDI SIYA NAGKULANG... taliwas sa kung anu mang iniisip nya ngayon.

Sa nangyayaring ito sa amin ngayon, aminado ako,,ako pa rin ang may kasalanan.
Kaya sobrang nasasaktan ako dahil hindi ko man lang nagawang pigilan. Nang dahil sa akin naging ganyan sya.

Sa ngayon wala na kong ibang hinihiling kundi ang bumalik sya, malaman nya at maipakita ko kung gaano ko pinagsisisihan ang lahat,kung gaano ko sya kamahal kung paanong binago nya ako sa paraang alam nya.

Iniisip ko nalang hindi pa huli ang lahat. Dadaanin ko sa inom para maibsan ang lahat ng ito,pero alam kong di yun makakabuti,putangina kasi, kahit lasing na ako sya pa rin naalala ko, iniiyakan ko. Di na tuloy ako naniniwala na pampagaan ng loob ang alak.

Mainipin akong tao. Ayoko kasi yung pakiramdam na naiiwan ako sa ere. Ngayon pa,na wala kang ibang aasahan kung di sya. Sabay kaming bumuo ng pangarap pero ngayon naiwan akong magisa sa pangarap na yun. Di ko alam kung saan ko uumpisahan. Magpakulay o magpagupit ng buhok???

Sana bumalik na sya, buo man o hindi...tatanggapin ko siya, at sana patawarin na niya ako.Magsimula ulit kami ng bago. Hindi ako nanghihinayang sa dalawang taon,mas nanghihinayang ako sa mga panahong lumilipas na wala sya.Na di kami masaya.Sa susunod pang mga taong dapat magkasama kami.

Alam kong siya lang at natatanging sya lang ang makakapag pagaan muli nitong nararamdaman ko, makakapag pangiti sa akin ng totoo. Kahit makaramdam ulit ako ng sakit, tanging sa kanya ko lang isusugal ang puso ko.

oyeah. \0/...Mahal na mahal kita BEbe Jem.

Wednesday, February 8, 2012

Now What??

Halos isang linggo na syang nakatengga. Dumaan ang midterm exams at kung anu-ano pa pero di pa rin sya napapansin. Ayaw harapin sapagkat di naman alam kung paano gagawin.

Malay ko ba. Kunyari nalang alam ko. Gagana rin ito.
Nawawalan na ako ng pag-asa.

Buti na lang. Nandyan si Batman hahaha.!

Sa wakas bukas na ang deadline. Umandar ka ren!
LED Sequencer :D





Monday, February 6, 2012

Going wild...

Noon, gustong-gusto ko maging isang titser. Biro mo kung wala kang propesor walang magtuturo sayo ng basic na pagaaral, kahit ba turuan tayo ng nanay natin e. Pati ang malupit dun pag yung estudyante mo malayo na ang narating malalaman mo nalang boss mo na pala. Pero lubos at buong puso akong humahanga sa ating mga guro at kung paano nila napagtitiisan ang ganoong propesyon.

Nararanasan namin yan ngayon. Oo wag kang magtawa kasi wala naman kaming choice. Ok naman sana kung mga high school or college e. Pero hindi, grade 2 at grade 3 natapat sa amin. Kung saan ay masusubukan ang haba ng pasensya at tibay ng loob mo. Na wag kang magpadala sa emosyon dulot ng kakulitan nila. Resulta nun, child abused. Tsk.
Napakahirap lalo sa isang public school ka magtuturo kung saan maswerte ka na pag may kaunti kang estudyante(30). Malas mo pag buong brgy. sayo. Iniisip ko palang na 3 palang kada isa sa amin ang gagabayan namin, naiiyak na ako. Promise gusto ng sumuko at sabihing sa opisina na lang ako kahit taga type. Pero hindi, kelangan nilang matuto at hawak namin ang ilang kaalaman.

Hyper sila masyado to the point na di nila macontrol. Pati ako parang gusto na rin ma-posses.Pero sabi nga, mga bata yan kelangan pagpasenxahan.

Yun siguro ang lagi kong natututunan sa kanila tuwing papasok aq don. ang maging hal. para sa kanila at maging maayos ang kanilang mga utak....:)

me and charms.


kunyareng nagtuturo

o yeah!


hangsoyo long nilooo!!!hohohoh


The Students

Sunday, February 5, 2012

Big Night

February 05, 2012.
11:41 pm

One message received.

Hindi ito isang biro o kung ano man.Gusto ko mang gawing nakakatawa pero hindi. Totoong pangyayari ito sa buhay ng tao, actually lahat. Pinagmamasdan ko ang mukha ng babaeng iyon habang patuloy siya sa pagluha. Kung paanong nanginginig ang mga kamay nya sa pagtipa sa kanyang cellphone na kung saan iyon na ang tulay kung paano tatapusin ang dalawang taon na pinagsamahan.Mahal nila ang isa't isa pero sadyang di pinagpala ng pagkakataon at hindi pinagsalubong ng panahon. Isa, dalawa, hanggang sunod-sunod na ang pag-agos ng mga mumunting tubig sa kanyang mata. Gusto ko siyang yakapin,protektahan at sabihing magiging maayos din ang lahat na wala ng makakapanakit pa sa kanya na kahit sino. Ngunit wala akong nagawa, pagkat nagdesisiyon na ang babae . Tapos na.Wala. Nganga. Kumakanta ako sa isip ko para sa kanya, yung pinakamagandang background na maaring ihandog para sa pusong sugatan... ngunit huni ng pagtangis lamang ang aking naririnig na maari kong ibigay sa kanya.


Pagkat ang babaeng iyon at ako ay iisa.


"Sa'n mapupulot ang pag-asa may katuwiran ba ang sala
ngiti ko ang iyong galak langit ko ang iyong kandungan
Permiso sa isang araw na makasama ka abiso ng pusong bulag na humahanga.


Tama bang aminin na nating may taning tong pag-ibig natin
dakila man walang kasaysayang kakapit sa bulag na pag-ibig.

Sa'n hihingi ng patawad kung walang dalang dahilan
tangis ko ang iyong pagluha nais ko ang iyong kalayaan.

Permiso sa isang araw na makasama ka abiso ng pusong bulag na humahanga


Tama bang aminin na nating may taning tong pag-ibig natin
dakila man walang kasaysayang kakapit sa bulag na pag-ibig

Tama bang aminin na nating may taning tong pag-ibig natin
dakila man walang kasaysayang kakapit sa bulag na pag-ibig

Permiso sa isang araw na makasama ka abiso ng pusong bulag na humahanga.

tama bang aminin na nating may taning.........."