...Nagiisip ako kung ano ba una kong sasabihen, ganun naman talaga siguro pag nag-iisip ka, yung pinakamagandang salita ang una mong sasabihin... ako hinde e, "tangina! yan ang unang lumalabas sa bibig ko, kahit masaya, malungkot, nagugulat o kung ano pa..minsan nga kahit..tumatae e!hahaha anyways...
Yan din ang unang salita na nsabi ko nung una ko syang makilala..
"tang-ina, itsura nyan? crush nyo?hahaha papatawa kayo! lalo ka na? crush mo yan?(kalai?)hahaha..
Malaki mata? bunganga?(peace) ok magaling kumanta.. artistic..pero cultural? mga di naliligo yan ah?ewww!!!long hair pa!(hahahahah)
Ok fine, dats my first impression....
Akalain ko ba naman mapulot ko i.d nya, no choice kundi itago at ipakita kay BESTFRIEND!hahaha JEREMY TAMAYO? what a name.. goodboy ah,at ang lookz? Tangina! emo! malayo kay ZAK na kilala ko.! (at un na nga pinagtawanan na namin ang id)
I used to call him"kuya ZAk, o kaya TOL, DUde" para kunyare feeling close!
(smiling)
One summer month ay kailangang mag organize sa isang community sa sta.mesa at dahil nochoice, kami-kami na lang ang magkakasama(mga 6 ata) ayun na nga wer starting to get to know each other..kahit ako lang naman ang nagkwento ng talambuhay ko sa kanya!
Months past at nakalimutan ko na ng bahagya yun,dahil nasa iba ang attention ko,sa aking crush na di maintindihan kung bakit nagustuhan ko...haist!
(gutom na ako!)
Then,one day i received a txt message..galing sa kanya!At doon na nag umpisa ang lahat,,txt pag gising,kahit asa acads, kahit saan. kumakain, may see you in my dreams pa nga eh..!
Pero hindi kami personal na naguusap, nagkakahiyaan..? ewan. basta iba e..sa text close talaga kami.
May panahong sabay kami kumain(2 times un intriga pa)haaha!
And then one day..nakita ko syasa ministop.. nakatayo sa poste habang dinidilaan ang ICECREAM! Wow..!
Lumipas ang ilan pang araw, ang hate kong tao ay unti-unti ng napapalapit sa akin.. tambay sa anonas, magdamag, kwentuhang walang kwenta..(merun din namang seryoso)
lahat ng hung ups, saya halo-halo na e!Basta kwento lang.. lakad lang.. yosi kape! Ganun na ritwal namen.. papasok ng bangag sa puyat..sya lang nakakasakay sa trip ko.. sa kahabaan ng ANONAS ...minahal ko ang mga mata nya,boses, kabuuan nya at ang buhok.. higit sa lahat si Jeremy..bilang zak..heheh
092409..date yan.. eto ang pinakamahalagang araw..sa buhay ko noong 2009. Oo kami na!
Hindi ko na dinetalye yung iba pang nangyare bago naging kami, lalo na yung pagbigay nya sa akin ng sampalok? at pagsabay sa pag uwi, magngingitian hanggang mawala na sa paningin?hahaha tang ina!ang korni..pero tangina tinamaan ako!
Sa ngayon, isang taon,3 buwan at 17 na araw na ang lumipas.. marami ng nangyari talagang marami..pero kami na lang ang nakakaalam nun..=)
Nagpapasalamat ako sa kanya dahil eto kami buhay pa!hahaha nagpapatuloy, kahit sinubok ng kalawang ang pagsasamahan naming bakal, matibay pa rin..at titibay pa.. dahil ang taong inaayawan ko noon,,ay taong mahal na mahal ko ngayon!!!
"THE MORE I HATE THE MORE I LOVE!"




nice wun :))
ReplyDeleteahahah! tropang heavens gate!
ReplyDelete